Stop Kony Go for Awareness

"He is Invisible right now, but to make him visible let's make him famous but not to celebrate him"
Invisible Children, isang grupo ng mga taong naghahanap nang justice at paraan upang maihinto ang conflict na umiikot sa Uganda. Isang film ang kumakalat ngayon sa buong Cyber World kung saan binibigyan nila nang awareness ang mga tao sa buong mundo tungkol sa kasamaan na ikinakalat ni Joseph Kony ang lider nang  Lord's Resistance Army (LRA). Di umano'y kinikidnap nila ang mga kabataan sa Uganda upang gawing myembro  ng kanilang militar at ito ay nangyayari sa loob nang tatlong dekada.
Si Jason Russell isang filmmaker ay nagsasabi na dapat mahinto na ang mga ginagawa ni Kony, ngunit 99% sa populasyon sa buong mundo ang hindi kilala si Joseph Kony. Upang mabigyan nang knowledge o kaalaman ang mga tao tungkol kay Kony at sa kanyang mga gawain, inilunsad niya ang grupong Invisible Children kung saan target nila na makuha ang simpatya nang 20 culture makers at 12 policymakers.
Ang ilan sa 20 culture makers ay sina Oprah, Mark Zuckerberg, Rihanna, Taylor Swift at iba pa. At ang 12 policy makers ay 'yung mga senators at iba pang politician na maimpluwensya sa America.
Ayon sa film na ito, magtatapos ang airing nang film sa December 31, 2012. At sa darating na April 2012, target nilang malagyan ng mga posters kung saan andoon ang larawan ni Kony ang lahat ng mga major cities sa buong mundo.
Isang promise ang binitawan ni Russell sa batang Uganda na si Jacob kung saan mission ni Russell na ihinto ang mga ginagawang kasamaan ni Kony. 
“It is better that you kill us, because we don’t want to stay on earth,” sabi ni Jacob kay Russell sa nasabing film.

Sa kasalukuyan, over 30,000 children ang na captured ni Kony. Ayon kay Kony,  "he is not fighting for any cause, but only to maintain his power."
Anong masasabi ninyo tungkol sa adhikain nila? Kung gusto ninyo makita ang film, play the video below at pakinggan ang kanilang isinusulong. At feel free na i-share ito sa iba.





thumbnail
About The Author

Ut dignissim aliquet nibh tristique hendrerit. Donec ullamcorper nulla quis metus vulputate id placerat augue eleifend. Aenean venenatis consectetur orci, sit amet ultricies magna sagittis vel. Nulla non diam nisi, ut ultrices massa. Pellentesque sed nisl metus. Praesent a mi vel ante molestie venenatis.

0 comments