Papaano Humalik o Makahalik sa Isang Lalake




Huwag kang matakot, girl! Kissing a guy should be fun. Kaya ito ang ilang maliliit na tips para malaman kung papaano humalik sa isang lalake.

1. Maging Flirt ka!
    Smile ka lang, girl. Dapat malaman nang lalake na gusto mo na andyan siya. Gawin mo ang lahat para malaman niya na happy ka sa tuwing nandyan siya sa tabi mo.

2. Hala! Sige sabihin mo ang feelings mo sa kanya at be yourself lang.
    Kapag gagawin mo ito te  huwag kang matakot at baka lumayo siya. Dapat hindi ka magmumukhang desperada, just chill lang, hold your ground ika nga nila. Huwag kang masyadong pakipot, at baka mapagod siya sa kakahabol sa iyo!? Remember, "ang kalabaw nga napapagod, tao pa kaya?"

3. Hawakan mo siya, girl!
    Ang unang hakbang ay touching. Gumawa ng mga excuses para ma-touch mo lang ang kanyang kamay, mukha o arm. Pero, holding hands nalang muna te, kasi ganyan daw prefer ng karamihan sa mga lalake. Pagkatapos mo siyang mahawakan ay yakapin mo! Dapat yung yakap na may feelings, tila ayaw mo syang lumayo. Pagkatapos mo itong gawin ay umatras ka muna ng kunti at kung mag-uusap kayo dapat face to face kayo.

4. Humanap nang tamang moment
    Bilang girl alam mo ang tamang moment, instincts gamitin mo. If kayong dalawa ay nag-uusap, lumapit ka sa kanya nang kaunti. Titigan mo sya at tingnan mo ang kanyang mapupulang labi. Pwede ding i-bite ang iyong lip nang a little lang para magmukha kang sweet, inosente at a little nervous. Tapos dapat makuha niya na gusto mo siyang halikan.

5. Start Slowly.
    Kung gusto mong ikaw ang gagawa nang first move, pwede mo siyang bigyan nang halik sa cheek at tapos dahan-dahan kang papunta sa labi. Ipikit mo ang iyong mga mata tapos kapag sapul na, hawakan mo ang kanyang leeg, kanyang chest o kaya ang kanyang hips. Huwag mong idilat ang iyong mga mata para hindi ma conscious ang guy dahil aakalain niyang andyan mga friends mo, o di kaya ay may tinitingnan ka sa likod niya at kung ito ay mangyayari tiyak stop kissing ang drama niya.

6. Hintayin ang reaction
    If nagulat si guy, kiss mo ulit siya. Kung gusto pa niya, eh mas bongga!. Go lang nang go!

7. Atras muna tapos tumingin sa baba
    Tumingin ka sa kanyang mga mata tapos kung gusto pa talaga nya eh, go, kiss mo ulit. Ngunit kung ikaw naman yung gusto pa nang kiss, eh, tumingin ka ulit sa kanyang lips para ito ang magsisilbing signal na gusto mo pa.

8. Go for passionate kiss kung gusto ninyong i- continue

9. Kung tapos na kayo ay humiga kayo kapag may higaan at huwag munang magsalita.
    Pwede mo ding magyakapan kayo sa isa't-isa. At pwede na din na kayong mag-usap tulad nang kanina at pwede ding may round 2.


Ang paghalik ay normal na sa ating mga tao. Ito ay paraan upang ipakita natin sa taong mahal natin kung gaano natin sila kamahal.







thumbnail
About The Author

Ut dignissim aliquet nibh tristique hendrerit. Donec ullamcorper nulla quis metus vulputate id placerat augue eleifend. Aenean venenatis consectetur orci, sit amet ultricies magna sagittis vel. Nulla non diam nisi, ut ultrices massa. Pellentesque sed nisl metus. Praesent a mi vel ante molestie venenatis.

0 comments