Pagiging Chismosa ay Nakakapahaba ng Buhay

Kabit ka daw?

Mga Ateng Chismosa, dapat ninyo ito ikasaya ang balitang ito!

Ang pagiging chismoso o chismosa ay nakakapit na sa mga bituka nating mga tao. Kahit saan, kahit anong oras, kahit anong posisyon, kahit sinong taong makasalubong, kahit sinong makasama mo sa pagkakape, hindi mawawala ang may makausap at may pag-uusapan.

Ayon sa isang study sa University of Michigan, they found out na ang may positibong health benefits ang pagiging chismosa o ang pagchichismis sa mga babae. Sa isinagawang pagsasaliksik, gumawa sila nang dalawang grupo kung saan ang isa ay inatasang mag proofread sa isang botany paper at ang isa naman ay ini-encourage nilang magtanong ng mga personal na tanong sa bawat miyembro. 

Alam niyo ba, nakita ng mga researchers na ang pangalawang grupo kung saan nagchichismisan ay tumaas ang kanilang level ng progesterone na hormone, kung saan kilala ito bilang "feel good" hormone ng mga babae at nakakapababa ito nang stress. Ayon kay Stephanie Brown, lead psychologist sa nasabing saliksik, ang progesterone mula sa human interactions ay isa sa mga dahilang kaya ang mga babaeng aktibo sa kanilang social lives ay may mahabang buhay kaysa sa mga babaeng isolated o ayaw makihalubilo. At remember yung isang grupo kung saan napro-proofreading sa isang botany paper? Di umano'y biglang bumaba ang kanilang progesterone level at talagang nanghina sila.

Kaya sa mga stressed diyan sa kani-kanilang opisina, dapat break muna at makihalubilo sa mga kasamahan. Chika muna at pagchismisan nyo kaya ang boss ninyong ubod nang gwapo kaso gwapo din ang gusto, o di kaya ang cute na guy na parating nililinis ang desk mo kasi janitor siya (sayang nga lang, pero carry).

thumbnail
About The Author

Ut dignissim aliquet nibh tristique hendrerit. Donec ullamcorper nulla quis metus vulputate id placerat augue eleifend. Aenean venenatis consectetur orci, sit amet ultricies magna sagittis vel. Nulla non diam nisi, ut ultrices massa. Pellentesque sed nisl metus. Praesent a mi vel ante molestie venenatis.

0 comments