Bago pa man dumating ang mga Korean drama, eh, sila muna ang nauna. Naalala n'yo pa ba ang unang Asian Nobela na kumilig at nagpaiyak sa ating lahat? Ang nobelang, kahit sino (pati teacher namin sa Filipino, nakikipag exchange ng VCD sa mga estudyante) ay talagang nakatutok at hindi pinapalagpas ang mga episodes.
Meteor Garden, ito ang title nang Asian Nobelang kumuha sa mga atensyon ng bawat Pilipino. Kung mayroon nang twitter sa taong ito ay tiyak parating Trending ito. Una itong ipinalabas sa ABS-CBN noong taong 2001, at ito ang kauna-unahang Asian love story series na ipinalabas sa Pilipinas.
Ang Meteor Garden ay isang istorya nang isang ordinaryong babae at ang pangalan niya ay Shan Cai. Kahit na hindi mayaman, gusto nang parents ni Shan Cai na ipasok siya sa isang prestihiyosong paaralan, ang Ying De University. Ang paaralan na ito ay para lang sa mga mayayaman na tao. Kahit na inaalipusta siya dahil siya ay hindi mayaman, nakaya niyang sagut-sagotin ang lider nang F4, si Dao Ming Si. Ang F4 ay binubuo nila Dao Ming Si (leader), Hua Ze Lei (tahimik na tao), Xi Men at Mei Zuo, kung saan sila ay pawang tagapagmana ng kompanya ng kani-kanilang pamilya. Ang mga magulang nang bawat miyembro nang F4 ay ang nagbuo at nagpagawa sa nasabing paaralan kaya walang sinuman ang may lakas na loob na kumotra sa kanila.
Ngunit, hindi nagpakabog si Shan Cai at hindi siya natatakot sa kahit kanino, kahit si Dao Ming Si pa iyan. At dahil sa asal ni Shan Cai, ay naging interesado si Dao Ming sa kanya. Maraming mga pinagdaanang hamon at sakit ang napagdaanan ni Shan Cai. Mga pang-aalipusta at mga masasakit na salita na ibinigay sa kanya ng ina ni Dao Ming Si, ay hindi niya ito inatrasan.
At sa katapusan, isang maligayang pagwawakas ang nakamit ni Dao Ming Si at Shan Cai.
Hit Share if Miss nyo na ito.....

0 comments