Leaproach: Bagong Cockroach

Ang mundo ay sadyang kakaiba at nakakamangha. Samu't-saring mga nilalang ang ating makikita. Bawat isa ay may kakaibang kakayahan at talento.

Ang panahon ay nagbabago, at mga bagong teknolohiya ang ating nasasalubong sa bawat araw. Ngunit, Ipad lang ba ang may 1 at 3? Nokia lang ba ang may bagong models na inilalabas kada buwan? Apple lang ba ang gumagawa ng mga bagong bagay para sa madlang people?

May mga bagong nadeskubre ngayon sa mundo nang Science. Oo, may bago din sa mundo nang Biology, may bagong tuklas na species, kung sa cellphone pa iyan, may bagong model na labas.

Kung takot kayo sa mga nagsisiliparang Cockroach sa inyong bahay, ay maalarma na kayo! Ang Leaproach (Saltoblattella montistabularis) ay isang bagong diskubreng uri nang cockroach. Sa lahat nang best jumping insekto sa buong mundo, ay Leaproach ay nabibilang dito at siya lang ang may ganitong talento sa buong cockroach family.

Ang Leaproach ay nadiskubre sa Cape Town, South Africa ni  Mike Picker at inilabas sa latest issue ng Royal Society Biology Letters. Ayon dito, ang laki nito ay umaabot nang tatlong inches ang haba.

Photo Credits to Discovery
Saan Kaya ako dadapo? Pwede bang sa iyo nalang?
Kung natatakot na kayong dumapo ito sa mga balikat o sa mukha ninyo? Mas matakot kayo kung malalaman ninyong mas magaling pa silang lumundag at kaya nilang lumundag nang dalawang beses kaysa sa isang Grasshopper. At kung saan umaabot nang limampung beses ang haba kaysa sa katawan nito ang layo na kaya niyang maaabot pag lumundag ito.

Kaya kung mahilig kayong magsisigaw kapag nakakakita nang cockroach. Dapat mag-isip-isip muna kayo, bago mo ibuka ang iyong bibig tingnan mo muna kung anong cockroach iyan at baka shoot siya sa mouth mo.
Pwede bang tumabi sa iyo?
Ang Leaproach ay kasalukuyang makikita lang sa South Africa. Oo, tama ang nabasa mo! Ngunit, di ba marunong mag-swim sila? Baka darating din ang panahon at baka paggising mo, katabi mo na siya!?
thumbnail
About The Author

Ut dignissim aliquet nibh tristique hendrerit. Donec ullamcorper nulla quis metus vulputate id placerat augue eleifend. Aenean venenatis consectetur orci, sit amet ultricies magna sagittis vel. Nulla non diam nisi, ut ultrices massa. Pellentesque sed nisl metus. Praesent a mi vel ante molestie venenatis.

0 comments