Skemalandia | Ang Simulain

Hindi pa po tapos ito. Teaser lang



Sa kailaliman nang gabi, sa isang bahay na may pulang pintuan at nakatirik malapit sa terminal nang bus nang Bayugan, isang sanggol ang iniwan sa tapat ng nasabing bahay na may kulay na pula ang pinto, nang isang hindi kilalang tao na nakatakip ang mukha at may hood kung saan balot na balot ito.

Kinabukasan, laking gulat nang pamilyang Reyes nang makita nila ang sanggol sa harap nang kanilang pinto. At dahil sa wala pa silang anak, kinupkop nila ito at itinuring na kanilang sariling anak, at pinangalanan itong Myko (Mayko).

Si Myko ay namuhay nang ibinibigay ang lahat sa kanya, mga masasakit na salita, palo, suntok, at iba pang masasakit na gawain. Nagtataka siya kung bakit ganoon nalang siya kung tratuhin nang kanyang mga magulang. Ang lahat nang ito ay nangyari noong ipinanganak si Lutchel, ang kanyang bunsong  kapatid na babae. Dahil noon, habang siya ay naghihiwa nang karne nang baboy bigla siyang nasugatan at lumapit siya sa kanyang ina upang humingi nang alcohol. Ngunit hindi siya pinansin bagkus binigyan siya nang dahon nang malunggay mula sa kanilang bakuran.

Isang araw habang nagwawalis si Myko sa kanilang bakuran, biglang lumapit ang kanyang kapatid na bago pa lang tumungtong nang labing-siyam na taong gulang, si Lutchel. Biglang kinuha ni Lutchel ang basurahan at natuwa si Myko dahil parang tutulong ito sa paglilinis. Pero ito’y akala lang niya, bagkus ibinuhos ni Lutchel bigla sa kanyang harapan ang napakaraming basura na mula sa basurahan.

“Happy Birthday, Kuya Myko! Sana’y natuwa ka sa iniregalo ko sa’yo ngayon!?” wika ni Lutchel na tumatawa.

“Bobo ka ba? May regalo bang ganyan?” sagot ni Myko.

At si Lutchel ay biglang umiyak at tinawag nito ang kanilang ina. Madaling nakaresponde ang kanyang ina, at mabilis na hinila ang tenga ni Myko patungo sa kanilang kuwarto. Kinuha nito ang sinturon nang asawa at pinaghahampas si Myko sa may puwetan. At sa labas nang kwarto ay tumatawa si Lutchel nang napakalakas.

Pagkatapos ng mga pangyayari iyon, ikinulong si Myko sa kanilang bodega kasama ang mga dagang mapupula ang mga mata, at mga ipis na nagliliparan kung saan-saan.

“Hindi na ito maganda ―mabuti pang umalis na ako sa mala-impyernong bahay at pamilya na ‘to”, galit na wika sa isip ni Myko.
Isang gabi, napagdesisyunan nang pamilyang Reyes na kumain sa labas, pero maiiwan sa Myko at maghihintay na dalhan siya nang kanilang tira-tirang pagkain.

“Ikaw ang magbabantay nang bahay! At wala kaming iniwan na pagkain―kaya maghintay ka na dalhan ka namin!”, sabi nang kanyang ina.

Pagkaalis nila, nagmadaling nag-impake si Myko at umalis nang bahay dala-dala ang kanyang napakaliit na maleta , perang naipon at tirang tinapay na nakita niya sa may basurahan. Naisipan niyang pumunta sa isang lugar na walang nakakakilala sa kanya at malayo sa pamilyang umaliposta sa kanya.

Habang naglalakad si Myko, biglang kumalam ang kanyang tiyan, kaya napagdesisyunan niyang huminto muna sa paglalakad at umupo sa gilid nang daan. Habang siya ay kumakain, napansin niyang may nakatingin mula sa kanyang likuran, pero binalewala lang niya sa pag-aakalang ligaw na pusa lang iyon.

Makalipas ang ilang segundo, isang paniki ang biglang umatake mula sa kanyang likod, at napatayo si Myko at tiningnan kung saan nanggaling iyon. Nagulat siya nang may mga mapupulang mga mata ang bigla niyang naaninag mula sa kakahuyan nang parke kung saan nakatitig ito sa kanya. Unti-unting inihahakbang ni Myko pa-atras ang kanya mga paa.
Biglang umihip ang isang malakas na hangin, at napaatras ulit si Myko, at isang matabang lalaki ang biglang sumulpot mula sa kanyang harapan.
“Umatras ka muna bata! At magtago diyan sa may pader, at medyo may isang malaking laban ang mangyayari-,” wika nang matabang lalaki na may nakatatak na CS sa likod nang kanyang damit.

Sinunod naman ito ni Myko, at doon sa tabi ay nakasilip at nagmamatyag kung ano ang susunod na  mangyayari.

“Aba! Busog tayo sa tabatsoy na ‘yan!,” wika nang isa sa mga ‘di kilalang lalaki na may mapupulang mga mata at matatalas na pangil.

“Oo nga!,” sagot nang lalaking may CS na tatak sa likod nang kanyang damit, “ako nga pala si Eman! Eman Vulvich!”

“Kami ay isa sa mga miyembro nang Tribu Tsibu, at alam ko na kilala mo ang aming tribu?” wika nang isa sa dalawang lalaki.

“Oo naman! ­­­— Kayo ay isang bampira, at galing sa tribu Tsibu at kilala sa pagiging bampira at walang kinakatakutan, kahit Diyos” sagot ni Eman sa kanila.

“Masaya ako at alam mo ang tungkol sa amin— at alam mo na kung saan ka lulugar.... Ngunit nagtataka ako at kung bakit mo alam ang tungkol sa amin?”

“Tatanungin ko kayong dalawa, alam ninyo ba ang tungkol sa mga Herina?” pangiting wika ni Eman.

“Herina?”

At bigla nalang nanginginig ang mga kamay nang isa sa mga bampira, “Kuya- atras na tayo.... hindi natin siya kaya” pa-utal na wika nito.
“Naduduwag ka sa isang Herina?— isa lang ‘yang kwento! At matagal nang nawala ang kanilang lahi at kaharian!” sagot nito sa kasama.
“Basta! Aalis na ako! Ayoko pang mamatay!” at mabilis sa tumakbo ang nasabing bampira, papalayo.

“Oh! Ano na? gusto mo pa ba akong makalaban?” tanong ni Eman.
“Eh—kahit ano ka pa… Hindi kita aatrasan!” sagot nito kay Eman.
“Sige—simulan na natin itong labanan!” wika ni Eman.

Biglang nawala si Eman, at naging alerto ang bampira na minamasdan ang palagid nito. Biglang lumitaw si Eman sa likuran nang bampira ngunit naunahan si Eman at nasuntok nito ang tiyan ni Eman. Nabutas ang tiyan ni Eman at bumuhos ang napakaraming dugo at unti-unti siyang napaluhod. Bigla namang napasuka si Myko pagkatapos masaksihan ang nangyari kay Eman. Tuwang-tuwa naman ang bampira sa kanyang nagawa kay Eman. Ngunit pagkaraan nang ilang segundo, bigla nalang sumakit ang tiyan nang bampira at nang pagkatingin nito sa kanyang tiyan, isang butas ang nabubuo.

“Ahhhh!—anong nangyayari?” sigaw nang nasabing bampira habang lumalaki ang butas sa kanyang tiyan.

Nakangiti si Eman habang tumatayo siya at sinabi kung ano ang nangyayari sa bampira, “Ishna Replica—isang spell na kayang ipagpalit ang atakeng natanggap nang gumamit nito papumta sa taong di umanoy dahilan nang pagkasugat.... at ito bloodline spell ko kung saan ako lang ang may kakayahang gumamit nang spell na ito”.

Unti-unting naaagnas ang nasabing bampira hanggang sa ito’y naging alikabok. Lumabas si Myko mula sa pagtatago nito.
“Halika! Myko—,” wika ni Eman.

“Halimaw!!!” sigaw ni Myko at kung saan nagmadali siya tumakbo nang napakabilis papalayo kay Eman.




thumbnail
About The Author

Ut dignissim aliquet nibh tristique hendrerit. Donec ullamcorper nulla quis metus vulputate id placerat augue eleifend. Aenean venenatis consectetur orci, sit amet ultricies magna sagittis vel. Nulla non diam nisi, ut ultrices massa. Pellentesque sed nisl metus. Praesent a mi vel ante molestie venenatis.

2 comments