HeartBullet Episode 4



   Mabilis ang takbo nang motor ni Rhett at wala siyang pakialam kahit na pasikot-sikot ang daan. 

   Isang libreng Livelihood seminar ang nangyayari sa Memorial Gymnasium nang Bayugan kung saan naroroon ang mga taong may kapansanan na haharap at tuturoan kung paano gumawa ng mga palamuti sa katawan at sa bahay. Naroroon si Konsehal Lee Roy, pinuno nang Committee on Cooperative and Livelihood at nagpasimuno nang nasabing seminar.

   Sa labas nang pinagdadausan ay nakatayo si Rhett at may dala-dalang pack Bag. Agad siyang pumunta sa gilid nang gym at doon ay pasimpleng pumuslit at pumasok. Pasimple siyang naglagay nang nakatiklop na papel sa bulsa nang isa sa mga security guard nang konsehal. Naramdaman nang nasabing security guard ang paglagay nang papel sa bulsa niya at nang basahin niya ito, nabigla siya sa kanyang nabasa;
‘Mamamatay ngayon si Konsehal Lee Roy. Walang makakapigil, uubusin ko  lahat na nandirito.’

   Ito ang nakasulat sa papel kung saan agad nitong pinagbigay-alam sa kanilang Head security at doon ay hinigpitan nila ang pagbabatay sa Konsehal at nag-disperse lahat ng mga security guard sa paligid upang mahanap ang sinumang naglagay nang bantang iyon.

   Isa sa mga security guard ay may nakitang kahina-hinalang lalake na unti-unting lumapit kay Konsehal Lee Roy at ito’y si Rhett. Itinutok nang security guard na iyon ang kanyang baril kay Rhett at ready nang kalabitin nito ang kanyang baril. Bigla nalang tumakbo si Rhett papalapit sa Konsehal at dahil dito na bigla ang security guard at nakalabit niya ang gatilyo at tinamaan si Rhett habang nakayakap siya kay Konsehal. Agad na pinaulanan nang bala ng mga kasamahang security guard ang security guard na bumaril na kay Rhett.

   Mabilis na naka-responde ang ambulance at idinala si Rhett sa Ospital, pasalamat nalang itong Rhett at daplis lang ang kanyang natamo. 

   Habang nagpapahinga sa kwarto si Rhett ay biglang pumasok si Konsehal Lee at lumapit sa kanya.

   “Salamat sa iyong pagligtas sa buhay ko, bata. Kulang pa na kabayaran ang pagbayad ng mga bills mo rito sa ginawa mong pagligtas sa buhay ko, gusto pa kitang tulungan, meyroon ka bang nais na ihiling bilang gantipala nang iyong kabayanihan?” tanong nang Konsehal kay Rhett.

   “Isa lang po ang mahihiling ko, ‘yun po ay magkaroon ako nang trabaho para mabuhay ko po ang lima kong kapatid” sagot ni Rhett.

   “Tamang-tama at kulang na ako nang isang security guard, mukhang malakas ka naman at matalas kang makiramdam, ikaw nalang ang hahalili sa bwiset na security guard na’yon. Payag ka ba sa alok ko?” tanong ni Konsehal.

   Agad na pumayag si Rhett sa alok nang Konsehal at nakangiting nakipaglamano kay Konsehal Lee.

Next: HeartBullet Episode 5
thumbnail
About The Author

Ut dignissim aliquet nibh tristique hendrerit. Donec ullamcorper nulla quis metus vulputate id placerat augue eleifend. Aenean venenatis consectetur orci, sit amet ultricies magna sagittis vel. Nulla non diam nisi, ut ultrices massa. Pellentesque sed nisl metus. Praesent a mi vel ante molestie venenatis.

0 comments