Matapos maunang tumakbo si Myko papalayo kay Eman, isang salita ang binigkas ni Eman habang ito ay naglalakad.
“Abashta!”
At biglang namang tumakbo si Eman nang napakabilis na may bilis na 100 kilometers per minute (kpm) at hinabol niya si Myko. Kahit nauna pa itong si Myko na tumakbo ay naabutan pa rin ito ni Eman. Bigla nalang niyakap ni Eman si Myko at sila ay napahinto sa pagtakbo. Hindi makapalag si Myko dahil napakahigpit ang pagkayakap ni Eman sa kanya.
“Ano ba ang kailangan mo sa akin?” sigaw ni Myko na nagpupumilit na makawala sa pagkayakap.
“Ikaw ang may kailangan sa akin..” sagot ni Eman kay Myko habang nakatitig si Eman kay Myko.
“Ikaw ay isang napakahalagang tao sa amin, at kailangan mong sumama sa akin upang malaman mo kung sino ka talaga” wika ni Eman.
“Hindi mo ba ako papatayin, tulad sa mga bampira na ‘yon?” tanong ni Myko na may halong kaba at takot sa mukha.
“Bakit? Isa ka ba sa kanila?” tanong ni Eman.
“Hindi” sagot naman ni Myko.
“Pwes, hindi kita papatayin….Simple!” sagot ni Eman kay Myko. At pinakawalan ni Eman si Myko mula sa pagkayakap nito.
Isang tilaok nang manok ang umalingawngaw sa buong paligid, kung saan ito’y naghuhudyat nang isang panibagong umaga at araw ang haharapin ni Myko sa kanyang buhay kasama si Eman, sa mga taong kanyang makakaharap pa at sa pagtuklas sa tunay niyang katauhan.
Naglalakad sila ni Eman sa isang daan na puno nang mga tinda sa gilid nito, at doon isang maliit na daan ang kanilang dinaanan. Nagtataka si Myko kung bakit doon sila dumaan, na isang pader ang nakaharang doon pagdating sa dulo, at alam ito ni Myko sapagkat doon s’ya parating dinadala ng mga kaibigan ni Lutchel at doon binubugbog. Ngunit tahimik lang si Myko habang sinusundan si Eman, at hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang mga nakita kagabi.
“Andito na tayo!” sigaw ni Eman at bigla nalang siyang tumawa nang malakas.
“Bakit ka masaya? Masaya bang makaharap ang ganyang kalaking pader?” tanong ni Myko kay Eman.
“Hindi lang ito basta pader, Myko! Isa itong pintuan”, sagot ni Eman sa kanya.
“Eh!? Paano ‘yan naging isang pinto? Ginu-good time mo naman ako…” wika ni Myko na nakahikbi.
“Hindi kita ginu-good time, talagang pinto ‘yan!” sagot ni Eman sa kanya.
“Abrehe!”
Matapos nitong sabihin ni Eman, ay biglang nawasak ang pader at nabuo ulit ito, at naging isang malaking pinto. Nagulat si Myko sa kanyang nakita at halos hindi siya makapagsalita at makagalaw. Kinalabit ni Eman si Myko upang makabalik sa kanyang sarili.
Isang daan na puno nang maraming tao at sa gilid nang daang ito ay puno ng mga samut-saring tindahan. Isa sa mga tindahan doon ay tindahan ng mga hayop, may tindahan ng mga pagkain, damit, alahas, at iba pa. Sa mangha ni Myko ay hindi siya makasagot sa tuwing tinatanong siya ni Eman hanggang sa napahinto siya sa isang tindahan ng mga armas at mga baluti.
“Gusto mo ba nang ganyan?” tanong ni Eman sa kanya.
“Eh- totoo ba ang mga tinda d’yan? Hindi ba ‘yan mga laruan o peke?” tanong ni Myko kay Eman.
“Gusto mong malaman kung peke o totoo ba ‘yan?” agad na sabi ni Eman.
At pumasok silang dalawa sa tindahan na iyon at kinausap ni Eman ang tindero.
“Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?” isang pagbati mula tindero nang tindahan.
“Nais po sana nang kasama ko na tumingin sa inyong tindang espada at baluti” sagot ni Eman sa tindero.
“Pwede bang malaman ko ang iyong pangalan, iho?” tanong nang tindero kay Myko.
“Myko, po. Myko Reyes”
Nagulat ang tindero nang marinig nito ang pangalan ni Myko. At nagmadali itong pumunta sa isang maliit na kwarto at tila may hinahanap ito mula sa kanyang napaka-alikabok at maliit na kuwarto.
“Iho... pwede bang isukat mo ito?” tanong nang tindero habang hawak-hawak nito ang isang pulseras na kulay pula na may mga simbolong nakaukit.
“Eh... para po ba ito sa akin?” tanong ni Myko sa tindero.
“Hindi ko alam kung sa iyo talaga ito, pero may nag-iwan sa aking nitong pulseras at sinabi niya na kapag may isang taong nagngangalang Myko Alteo ay lalapit sa akin ay ibibigay ko itong pulseras” sagot nang tindero.
“Eh, Myko Reyes po pangngalan ko po”
“Sa loob nang labing walong taon, walang sinumang Myko ang lumapit sa akin, maliban sa iyo”
Lumingon si Myko kay Eman at tila humihingi si Myko nang pahintulot mula kay Eman. Ningitian lang ni Eman si Myko bilang hudyat nang pagsang-ayon nito na isuot niya ang nasabing pulseras na inaalok nang tindero.
Nang isinuot na ito ni Myko, bigla nalang dumilim ang buong palikid. Bigla nalang nawala si Eman at ang tindero, maliban sa kanyang sarili. Natakot bigla si Myko at sinisigaw niya ang pangngalan ni Eman at nang tindero na tila hinahanap niya ito. Habang hinahanap ni Myko si Eman at ang tindero ay isang liwanag na kulay pula ang biglang lumabas sa kanyang harapan.
0 comments