Gusto mo bang maalala ang mga magagandang nakaraan na unti-unti mo nang nakakalimutan? Gusto mo bang ibalik ito? Oo, tama ang inyong nabasa, ibalik ang nawalang alaala. Ayon sa pinakabagong pananaliksik nang Massachusetts Institute of Technology (MIT), kaya nang ibalik ang memorya na nalimutan at nabaon sa limot.
Nadiskubre ng mga Neuroscientists nang MIT na ang memorya ay may physical na anyo at pwede i-reactivate. Ito ay nangangahulugan na imbes na pilitin mong alalahanin ang mga nakaraan, kaya nang i-reconstruct at reactivate ang isang portion nang iyong utak upang ibalik ang nawalang memorya.
Noong 1900s isang experimento nang isang neurosurgeon na si Wilder Penfield ang nagsagawa sa nasabing. Natuklasan niyang puwede niyang pasiglahin ang isang bahagi ng hippocampus ang bahagi nang utak kung saan andito ang short at long-term memories.
Sinubukan ulit ng mga Neuroscientists ng MIT ang experimento ni Penfield. Natuklasan ng mga scientists ang isang selula (cell) na muling naging aktibo habang ang lab mouse ay natututo. Pagkatapos ay inalam nila kung anong genes ang nagpa-aktibo sa selula na iyon. Ipinares nila ang genes na kanilang nakita at sa isang gene para sa isang light-activated protein. Pagkatapos ng mga techniques na ginawa, isang maliit na pulses ng liwanag ang kanilang nakita ito ay papunta sa neuron upang maging aktibo ang protein.
Ayon kay Steve Ramirez, co-author nang nasabing study, “We wanted to artificially activate a memory without the usual required sensory experience, which provides experimental evidence that. . .even ephemeral phenomena, such as personal memories, reside in the physical machinery of the brain.”
Umaasa ang mga scientists na ang study na ito ay makakatulong sa mga brain disorders.
Ano ang masasabi niyo sa study na ito? Gusto n'yo bang ibalik ang mga alaala noon? Magkumento upang malaman nang lahat kung ano ang palagay ninyo tungkol sa istoryang ito.
0 comments