Dahilan nang Corruption


Marami sa atin ang pilit umaahon mula sa mga dagok na puminsala sa buhay nang bawat isa. Ang iba ay nakakaahon at ang iba naman, sa kasamaang palad, ay nalugmok at nabaon sa lupa. Mahirap daw mamuhay lalong lalo na kapag sa Pinas. Bakit nga ba naghihirap ang bawat Pilipino? Bakit parang bumabalik na tayo sa panahon ng mga Kastila kung saan walang Middle Class? Bakit nga ba may Corruption?

Kapag tinatanong ko ang mga kaibigan ko na "bakit ba naghihirap ang mga Pilipino ngayon?" Ang sagot nila agad ay 'dahil sa CORRUPTION'. Kahit sino ang tanungin mo, may salita na corruption talagang nasasali. Kung aalamin natin ang depinisyon ng corruption sa politika, ito ay ang paggamit nang posisyon o kapangyarihan nila upang mapalago ang kanilang sariling interest. Hay naku.....

Hindi n'yo ba namamalayan na sa tuwing may inaakusahan tayong mandurugas (corrupt) ay parating nagpaparti, lumalabas ng bansa, gumagamit ng mamahaling phone (hindi naman alam paano gamitin) at ang pinaka ay sa tuwing eleksyon, eh, parang anghel na nagmamakaawa sa mga boto natin. Alam ko, nagtataka kayo kung bakit ko inilista ito, pakibasa ulit yung depinisyon para mabigyan kayo ng clue.

Para sa lahat, ang talagang dahilan (reason) ng corruption ay ang pagiging matakaw sa kapangyarihan at luho na maibibigay ng kanilang mga posisyon. Alam ko at alam n'yo na ito, pero, may ginagawa ba tayo sa aspetong ito? Kung alam na natin ang sagot na ito, eh, bakit patuloy pa rin kayo sa pagboto sa mga taong ganito lang ang hangad?

'Hoy! Gising!' ika nga ni Ted Failon. 

At kapag nakita na natin na may corruption na nagaganap sa opisina ni Mayor, eh, para tayong kumukulong kaldero na nagsisigaw sa galit.  At kapag eleksyon naman, para tayong mga sisiw na excited sa perang ipapakain sa atin ng ating mga ina at ang pinaka sa lahat ay parang tayong isang tao na nagka-amnesia at sige pa rin, at bumubuto pa rin sa ganitong pulitiko.

"Ang ganda ng Paris, makapunta kaya. Wow! Mamahaling Restaurant! Doon tayo magmemeeting. Gusto ko, Car! Yung red! sige bili tayo bukas." Isa sa mga dahilan nang corruption at specific na dahilan, ay ang gustong maranasan ang mga bagay na maganda. Hindi ko sinasabi na masama ang maghangad ng sobra, eh, sa masamang pamamaraan, hindi ba masama 'yan?

Kung maging kontento nalang kaya tayo kung anong meyroon sa atin. At kung gusto mo talagang maranasan ito ay magtrabaho ka nang malinis at hindi sa masamang pamamaraan. Makikita naman natin ito sa kanila. Hospital sa America dahil walang bilib sa ating mga doctor dito sa Pilipinas, pupunta sa Cebu kasi walang gamit sa kanilang lugar, HOY! Bakit ba ganito? Eh, kung bumili ka ng equipments para sa hospital ninyo? Hay Naku...

Ilan lamang ito sa mga napakaraming dahilan ng corruption na inyong natunghayan. At ito ay dapat nating ilagay sa ating mga utak na mga dahilan, upang sa susunod ay boboto tayo sa mga karapat dapat lang. Sa panahon nga ni Andres Bonifacio, siya lang ang myembro ng gabinete ang pumasok na mahirap at umalis na napakahirap. At para sa akin ang tunay na pulitiko ay hindi mayaman kaysa sa kanyang pinaglilingkuran. Dahil naranasan ko din ang pagiging pulitiko at magsilbi sa kapwa ko estudyante, at dito ko nalaman na kahit piso sa bulsa mo ay maibibigay mo para sa ikakaunland ng iyong nasasakupan.

thumbnail
About The Author

Ut dignissim aliquet nibh tristique hendrerit. Donec ullamcorper nulla quis metus vulputate id placerat augue eleifend. Aenean venenatis consectetur orci, sit amet ultricies magna sagittis vel. Nulla non diam nisi, ut ultrices massa. Pellentesque sed nisl metus. Praesent a mi vel ante molestie venenatis.

0 comments