Perpekto- ganyan mailalarawan ang buhay ni Abigail, nag-iisang anak ng
isang ma-impluwensyang Business Tycoon sa Pilipinas. Bakit? Ikaw daw ang
may jowang ubod nang talino at gwapo!? Ibinibigay sa 'yo ang lahat nang
luho mo!? At ikaw ang pinakamaganda, talented at pinakamatalino sa school!?
Oh? Laban ka?
Ika-labingtatlo ng Pebrero taong 2012,
isang espesyal na araw para kay Abigail ang araw na ito dahil kaarawan
niya. Pero hindi lang ito ang dahilan ng pagiging espesyal ng araw na
ito dahil sa gabi na ito at mismong selebrasyon ng kanyang kaarawan
ibibigay at ipamamana ng kanyang ama ang lahat ng kanyang ari-arian kay
Abigail. Sa gabing iyon, ang buong lugar ay kumikinang at tadtad ng mga
magagandang ilaw. Sa isang kwarto kung saan naroroon si Abigail at
nag-aayos ng kanyang make-up at damit. Nang may biglang pumasok sa
kwarto at si Abigail ay nagulat at pinagalitan ang room boy dahil sa
hindi nito pagkatok. Humingi ng tawad ang nasabing room boy at umalis
agad ito pagkatapos kunin ang mga tasang pinag-inuman ng kape.
"Ladies
and gentlemen, nais ko pong magpasalamat sa pagdalo ninyo sa Birthday
Party ng aking unika-iha na si Abigail. Nais kong tawagin ang aking
pinakamamahal na anak na si Abigail upang samahan ako sa entabladong
ito. Masigabong palakpakan" wika ng ama ni Abigail na masayang masaya at
puno ng pagmamalaki.
Ang lahat ay nakatingin at naghihintay sa
paglabas ni Abigail mula sa arkong tadtad ng dyamante at mga bulaklak.
Ngunit makalipas ang ilang minuto ay walang Abigail na lumabas at ito'y
nagbigay ng kaba sa lahat ng mga taong naroroon. Tiningnan ng security
personnel ang kwarto kung saan naroroon si Abigail ngunit wala doon si
Abigail. At agad na pinahalughog nang ama ni Abigail ang buong paligid
at pati din sa labas ng pinagdada-usan ng handaan.
0 comments