Ang Puso Ko Sa Iyo




Matagal na kitang iniibig,
ngunit ikaw ang pilit umaalis,
best friend lang ang tingin mo sa akin,
masakit ngunit kaya kong tiisin,

Andyan ako parati sa tuwing ikaw nagdadalamhati,
dahil sa nobyo mong ubod nang pangit,
damdamin ko ay nagngingitngit,
dahil puso mo ay may sakit,

nong pag-ibig mo ay biglang itinapon,
nang nobyo mong mukhang kahon,
ako ay nagmadaling pumunta sa inyo,
kahit masaktan man ang puso ko.

hindi ko gustong makita kang nasasaktan,
dahil lang sa isang taong ikaw ay iniwanan,
mula noon pa man, pag-ibig koy walang hanggan,
kung bakit nga ba itinuturing mo akong friend lang.

pinilit kong magtapat nang pag-ibig sa iyo,
Kahit ako ay ang taong napaka-nerbyoso,
Valentines day nang ako'y nagtapat sa iyo,
Pero All Souls day naman ang reply mo.
thumbnail
About The Author

Ut dignissim aliquet nibh tristique hendrerit. Donec ullamcorper nulla quis metus vulputate id placerat augue eleifend. Aenean venenatis consectetur orci, sit amet ultricies magna sagittis vel. Nulla non diam nisi, ut ultrices massa. Pellentesque sed nisl metus. Praesent a mi vel ante molestie venenatis.

0 comments