Kahirapan, sadyang trending





Matagal na din ang panahong muli akong nagsulat nang ganito, at upang maipahayag ko ang aking mga saloobin tungkol sa mga nangyayari ngayon.

Ang kahirapan ay sadyang kumakalat na ngayon sa ating lipunan, parang isang sakit na nakakahawa at unti-unting pumapatay sa lahat ng mga tao. Tiyak na alam ninyo na ang problemang hinaharap nang ating gobyerno sa ngayon, ito ay ang paglobo nang ating populasyon at pagdami nang mahihirap ngayon.

Ang kahirapan ay isang simbolo o resulta nang hindi maayos na paghawak nang gobyerno sa bansa. Hindi ko sinasabi na isisi natin ito sa pangngulo,ngunit sana’y tayo mismo ay maging mapagmatyag sa kanilang mga kilos at nangyayari sa ating lipunan. Hindi sana magiging ganito kung naging open-minded ang gobyerno, kung saan pinakikinggan dapat nila ang mga hinaing nang bawat mamamayan. At tayong mga mamamayan ay dapat maging wais at huwag maging bulag sa mga nangyayari sa bansa at ang mga kabolastugang ginagawa nang ating gobyerno.

Ayon sa aking guro sa history,  noong sumiklab ang ZTE scandal kung saan nadawit ang asawa nang Pangngulo sa di umanoy sabwatan nang kompanya at siya. Hindi ninyo ba napansin na makalipas nang lumabas ang mga baho na iyon, ay biglang sumiklab naman ang pagtaas nang presyo nang bigas, kung saan ito ay pangunahing pangangailangan nating mga Pilipino? Nagkataon lang ba iyon, o sadyang inililihis lang tayo sa tunay na problema?

Ang susunod naman ay ang pagtaas nang populasyon ng mga Pilipino. Noong nasa elementarya pa ako, halos mabilang at madali ko lang makilala yong mga ka-schoolmate ko, pero nang dumaan ang ilang taon, halos magkaubusan na nang silid-aralan an gaming paaralan dahil sa dami nang mga estudyante. Nabalitaan ko ding nagkaroon nang kakapusan nang silid sa sekondarya doon sa amin. Ganito na ba karami tayo? At halos wala ng paglagyan dahil sa dami ng mga batang pumapasok sa paaralan?

Tayong mga Pilipino ay sadyang madaling nakikibagay sa takbo nang panahon, ngunit sana dapat, isipin natin na meyroon pang susunod henerasyon, ang mga anak, apo, apo sa tuhod at iba pa, na kung saan sila ay may karapatang makita kung gaano kaganda ang mundo. Huwag sana nating ipagkait sa kanila ang karapatan na iyon. Sana ay masulosyunan na itong kahirapan na tumama sa ating bansa. Hindi lang sana ang ating sariling kaligayan ang ating iisipin.

thumbnail
About The Author

Ut dignissim aliquet nibh tristique hendrerit. Donec ullamcorper nulla quis metus vulputate id placerat augue eleifend. Aenean venenatis consectetur orci, sit amet ultricies magna sagittis vel. Nulla non diam nisi, ut ultrices massa. Pellentesque sed nisl metus. Praesent a mi vel ante molestie venenatis.

0 comments