HeartBullet Episode 5



Sa isang maliit na daan na nasa gitna nang nagsisitaasang building, isang grupo ng mga lalake ang pumalibot sa isang lalake na may hawak-hawak na bote nang alak at ito’y laseng.

“Sino ba kayo?” tanong nang laseng na lalake.

“Hoy tanda! Kung inaakala mong nakalimutan na namin ang ginawa mo, nakakamali ka!” wika nang isang lalake na kalbo at may mahabang balbas at nakasuot nang gula-gulanit na leather jacket at may kalakihan nang pangangatawan.

Agad na lumapit ang isa sa mga lalakeng nakapaligid doon at hinawakan ang braso nang laseng na lalake. Ngunit isang matalim na tingin ang ipinakita nang laseng na lalake. Isang napakabilis na galaw ang nagpatumba sa lalakeng nakahawak sa braso sa nasabing laseng na lalake. Nagulat ang lahat nang makitang nabali ang kamay nang kanilang kasamahan.

Sa galit ng mga kasama nito ay nilapitan nila ang laseng na lalake at sabay nila itong sinipa. Ngunit silang lahat ay natumba nang umikit ang laseng na lalake at isang stance ng martial arts ang kanyang ginawa pagkatapos. Sa gulat ng mga kalalakihang iyon ay napatayo sila at nagsipagtakbuhan.

“LEUNG FE! HINDING-HINDI KO ITO MAKAKALIMUTAN! MAY ARAW DIN KA SA AKIN!”, wika nang kalbo nilang boss.

Pagkatapos ng mga pangyayari ay lumakad papunta sa direksyon patungo sa building nang Marlble Corporation si Leung Fe.

Habang nagpapagaling si Rhett sa ospital, doon sa bahay niya ay masaya namang nakikipagkwentuhan si Abigail sa mga bata. Biglang nagtaka si Abigail at tinanong niya si Tantan kung nasaan na itong si Rhett at tatlong araw na din na hindi siya nagpapakita. Walang naisagot itong si Tantan dahil bawal malaman ni Abigail at ng mga bata kung nasaan at kung ano ang ginagawa ni Rhett.


Dahil bagot na bagot na itong si Abigail ay kung ano-ano na ang mga tinatanong kay Tantan hanggang naitanong ni Abigail ang tungkol sa isang litrato nang isang babae na may kasamang batang lalake. Napahinto itong si Tantan sa kanyang ginagawa at napabuntong hininga ito. Humarap si Tantan kay Abigail at umupo katabi ni Abigail.

“Ang litrato na iyan ay ang nag-iisang litratong iniwan nang ina ni Rhett”, biglang napaluha si Tantan matapos nitong magsalita.

“Eh, nasaan na po ba ang ina ni Rhett?” tanong ni Abail.

“Pinatay… Pinatay nang hayop na IYON!” galit na sabi ni Tantan.

Nagulat si Abigail sa naging reaksyon ni Tantan. Ang mga mata nito’y nanlilisik at puno nang galit. At pagkatapos ay napaiyak si Tantan habang sinasambit ang katagang “ate”, at agad namang niyakap ni Abigail si Tantan upang tumahan ito.


Sa labas nang Marlble Corporation building, may isang lalake ang pumasok sa building at hinahanap si Lee Roy. Hindi sumagot ang receptionist dahil sa natakot ito sa laseng ang lalakeng nagtatanong. Bigla namang bumukas ang pintuan nang elevator at lumabas mula doon si Lee Roy at napahinto dahil sa gulat siya sa kanyang nakita.

“Kumusta, Mr. Lee Roy?” bati nang laseng na si Leung Fe.

Next: HeartBullet Episode 6
thumbnail
About The Author

Ut dignissim aliquet nibh tristique hendrerit. Donec ullamcorper nulla quis metus vulputate id placerat augue eleifend. Aenean venenatis consectetur orci, sit amet ultricies magna sagittis vel. Nulla non diam nisi, ut ultrices massa. Pellentesque sed nisl metus. Praesent a mi vel ante molestie venenatis.

0 comments