Isang Pulang liwanag ang biglang bumungad sa harapan ni Myko habang
hinahanap niya sa dilim si Eman at ang tindero.
Napahinto si Myko at unti-unti nilang nilapitan ang pulang liwanag.
“ Huwag kang matakot sa akin, Myko,” laking gulat ni Myko nang biglang may
isang boses siyang narinig. Tiningnan
nang mabuti ang liwanag at laking gulat niya nang isang maliit na tao ang
kanyang nakita mula sa liwanag.
“ Maajong Adlaw! Ako nga pa la si Kalayo ang gabay nang pulseras na
hawak mo” sabi nang maliit na nilalang na tila isang lalake.
“ Anong nilalang ka? Bakit ganyan ka kaliit at bakit kulay pula ang
iyong liwanag?” tanong ni Myko sa maliit na lalake.
“ Teka muna, ang dami mo namang tanong- okay.... sasagutin ko isa-isa
ang tanong mo”
Pinaupo nang maliit na lalake si Myko at tila isang mahabang diskusyon
ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa.
“ Uulitin ko, ako si Kalayo ang gabay nang pulseras nang apoy na hawak
mo ngayon at ikaw ang nakatakdang magmamay-ari nang pulseras na iyan at wala
nang iba”.
“At bakit ako?”
“Dahil ikaw ay isa sa mga bukod-tanging Herina”
“Herina?” napa-isip si Myko sa sinabi nang gabay na si Kalayo at hindi
pa niya ito lubos na nauunawaan.
“Alam ko at nabigla ka sa aking mga sinabi,” wika ni Kalayo, “ngunit
kailangan mo itong tanggapin para sa ikabubuti nang lahat”
At bigla nalang naglaho si Kalayo at unti-unting nawawala ang pulang
liwanag, at pakaraan nang ilang minuto ay bumalik na sa dati ang lahat. Bigla
nalang umikot ang paningin Myko at bigla nalang siyang natumba.
Nagising si Myko at lumingon siya sa kanyang kaliwa, doon nakita niya
si Eman habang nakakatitig sa kanya at naliligo na sa sarili nitong dugo.
0 comments