HeartBullet Episode 2



    Habang naghahanap ang mga security personnel kay Abigail,  bigla nalang nawalan nang ilaw, at pagkatapos ng ilang segundo ay bumalik ulit ito. Walang bakas silang nakita at hindi nila nahanap si Abigail kahit nilibot na nila ang buong paligid, isang mapanlulumong gabi para sa buong pamilya ni Abigail ang biglaang pagkawala nito.

   Isang kotse ang bumabaybay sa kahabaan ng Maharlika Highway na tumatakbo sa direksyon tungo sa syudad nang Bayugan. Sa loob ng kotse ay naroroon si Abigail, walang malay at suot-suot pa nito ang gown na bigay sa kanya ng kanyang ama. Isang lalaki ang naka-itim at nakatakip ang bibig na siyang nagmamaneho ng kotse. Huminto ang kotse sa isang iskinita at dinala nang hindi kilalang lalaki ang mahimbing na natutulog na si Abigail sa isang gubat. At doon sa gubat, ay isang bahay kubo ang tahimik na nakatayo kung saan isang hindi katangkaran na lalaki ang nakatayo sa pintuan ng bahay kubo. 

   “Ang galing mo talaga, Master!” wika nang lalakeng nakatayo.

   “Tantan, wag lakasan ang boses at baka magising ito” mahinang sabi nang lalakeng kumuha kay Abigail.

   “So? Ano plano mo, Master?” tanong ni Tantan sa lalakeng kumuha kay Abigail. 

   Hindi namalayan nang dalawa na gising si Abigail at tahimik na nakikinig. Hinintay na Abigail na sagutin nang sinasabing Master ang tanong pero bigla nalang itong pumasok sa isang kwarto.

    Kinaumagahan, bumungad sa bagong gising na si Abigail ang mga ngiti ng apat na bata na nakapaligid sa kanya. Nagulat siya nang siya ay inalalayang itinayo ng mga bata at hinawakan ang kanyang kamay at dinala sa hapag kainan.

    “Kuya Rhett, andito na girlpren n’yo po” wika nang isa sa mga bata sa lalakeng nagngangalang Rhett kung saan nauna na itong kumain.

   “Kumain ka na! Bago pa maubos ko lahat ito” wika ni Rhett kay Abigail.

    Umupo si Abigail at nagsimula na ring kumain, sa ikalawang subo niya ay napansin niyang nakatingin pa rin sa kanya ang mga bata. Tinanong niya kung kumain na ba sila at sumagot naman ito ng Oo. Pero napansin ni Abigail na puro lalake ang mga batang nakikita niya.

   “Mga kapatid mo ba itong mga bata na’to?”

   “Oo, ang limang itlog na’yan” sagot ni Rhett sa tanong ni Abigail.

   At nang malapit nang matapos si Abigail sa pagkain ay tinanong siya ni Rhett.

   “Huwag kang magtangkang tumakas….klaro?”

  “Eh!? Bakit ako tatakas? At saka….Sino kayo? Bakit ako naririto? Boyfriend ba kita? Sino ako?” sagot ni Abigail sa sinabi ni Rhett.

Next: HeartBullet Episode 3
thumbnail
About The Author

Ut dignissim aliquet nibh tristique hendrerit. Donec ullamcorper nulla quis metus vulputate id placerat augue eleifend. Aenean venenatis consectetur orci, sit amet ultricies magna sagittis vel. Nulla non diam nisi, ut ultrices massa. Pellentesque sed nisl metus. Praesent a mi vel ante molestie venenatis.

0 comments