My Wish List (Part 1)

Photo from http://www.modernamericanweekly.com
Umabot na din ako nang dalawampung taon dito sa mundo at ni minsan hindi ako gumawa nang wish list. Totoo, wish lang ako nang wish, hindi naman from the heart. Kaya ngayon, bilang isang ordinaryong tao at graduate na nang college, gagawa ako nang wish list ko, kung saan dapat ko itong tuparin at dapat talaga itong mangyari, simula ngayon (aw).

1. Ang makapagtrabaho sa isang semiconductor na company.
    Ngayong tapos na ako sa aking college life, heto, naghahanap nang trabahong swak sa kurso ko. Medyo mahirap humanap ngunit hindi ako susuko hangga't buhay pa ako; "Hanggang may buhay, may pag-asa".

2. Makapunta at makipag-picture kay Bulkang Mayon.
    Gusto ko talagang magkaroon nang picture with Mt. Mayon mula't sa simula pa lang. Gusto kong makakita nang bulkan at siya 'yun.

3. Makapaglibot sa buong Mindanao
    Bilang mamamayan nang Mindanao, proud ako at gusto ko itong malibot kahit sabihin pa nila na delikado, eh, wala akong pakeh. Maganda kaya ang Mindanao, maraming mga tanawin na aakalain mong may ganyan pala sa Pilipinas. At sa Mindanao lang makikita ang pinakamalaking Lake sa buong Pilipinas.

4. Ma-meet ang author nang Naruto, Bleach, Katekyo Hitman Reborn at Nurahiyon no Mago.
    Magpapa-picture talaga ako at sasabihin ko sa kanila na "thank you" nang hindi dahil sa kanilang mga ginawang "manga" hindi ko mabubuksan ang leadership skills ko.

5. Makapunta nang Japan at makilala si ASIMO.
    Bilang robotics enthusiast, nais kong makita at malaman at maintindihan ng lubusan kung papaano ginawa si Asimo at ang mga tao na gumawa sa kanya.


Ito muna sa ngayon, pero may kasunod pa ito. Kaya see 'ya sa susunod kong MagWish.
thumbnail
About The Author

Ut dignissim aliquet nibh tristique hendrerit. Donec ullamcorper nulla quis metus vulputate id placerat augue eleifend. Aenean venenatis consectetur orci, sit amet ultricies magna sagittis vel. Nulla non diam nisi, ut ultrices massa. Pellentesque sed nisl metus. Praesent a mi vel ante molestie venenatis.

0 comments