Bata, pinatay ang kalaro

Photo from http://www.eurthisnthat.com

Isang balita ang aking nabasa mula sa website nang ABS-CBN News, kung saan 'di umanoy pinatay nang isang sampung (10) taong gulang na bata na pinangalanang Jerome (hindi niya totoong pangngalan), ang kanyang kalarong pitong (7) taong gulang na bata. Nangyari ang insidenteng ito sa Potrero, Malabon noong Lunes, Abril 19, 2012.

Naglalaro daw sila nang teacher-students nang tinanong ang suspect nang "2 times 2" at nang hindi ito nakasagot, sinabihan daw nang isa nitong kalaro na "Eh, bobo ka naman pala". At bigla nalang daw pumunta si Jerome sa kanilang bahay at kumuha nang baril at pinaputukan ang nasabing biktima kung saan nagtamo ito nang tama sa ulo.

Lumabas ang mga kapitbahay at inakalang ligaw na bala ang tumama sa biktima. Ngunit isa sa mga kapitbahay ang nagsabi na nag-iba daw ang  galaw  at parang hindi mapakali at takot itong si Jerome at naging resulta ito upang maging suspect siya sa nasabing krimen.

Dead on arrival ang biktima.

Info from ABS-CBN


Opinion 


Ganito na ba ang mga itinuturo nang media sa ating mga kabataan ngayon? Masasabi bang nagpabaya ang mga magulang ng suspect (kung totoo nga ang aligasyon)? Hindi ba ito sapat upang ating ipagtibay ang censorship dito sa Pilipinas?

Ito ang mga tanong na umiikot ngayon sa aking utak. Masyado nang marahas ang ating bayan, kahit bata ay nasasabak na sa mga krimen'g ganito. Masasabi kong nagiging pabaya na ang mga bagong henerasyon ng mga magulang ngayon. Kahit hindi kayo sang-ayon, eh, makikita ninyo kung papaano magbigay disiplina at magbigay ng mga mabubuting asal ang mga magulang noon kaysa sa ngayon. Nagiging pabaya na ang mga magulang, porket, may MTRCB hindi ito sapat upang hindi patnubayan ng mga magulang ang mga bata sa panonood ng mga mararahas na panoorin.

Kasalanan din ito nang media especially nang telebisyon. Nagkukulang na ngayon sa pagbibigay impormasyon tungkol sa mga bawal na panoorin. Gayundin sa mga sinasabi nilang "Mabubuting asal ng isang Pinoy". Hindi na ako nakakakita nang ganito sa telebisyon ngayon, puro giyera, patawa, drama, at iba pa, ngunit maliban sa sinabi kong 'Mabuting Asal'. Hindi sapat ang turo nang school at kailangan nito nang suporta mula sa magulang at ng media.

Tandaan natin "Kung ano ang nakikita nang bata sa matatanda, gayundin ang gagawin nila sa pagtanda". Sad but true. Kung kaya, dapat huwag nating pabayaan ang mga bata at hayaan silang manood ng mga mararahas na panoorin.

Alam ko at nagtataka kayo kung bakit ito ang mga dahilan ko ukol sa nasabing insidente. Ngunit ito ang totoo, kahit sabihin ninyong, paulit-ulit lang ito, eh, bakit hindi ninyo sinusunod? Aber, sino kaya ang paulit-ulit sa atin ngayon?
thumbnail
About The Author

Ut dignissim aliquet nibh tristique hendrerit. Donec ullamcorper nulla quis metus vulputate id placerat augue eleifend. Aenean venenatis consectetur orci, sit amet ultricies magna sagittis vel. Nulla non diam nisi, ut ultrices massa. Pellentesque sed nisl metus. Praesent a mi vel ante molestie venenatis.

0 comments