Limang araw na din ang nakalipas nang niyanig ang buong kabisayaan nang isang 6.9 Magnitude na lindol. Kasama din nito ang pagbigay nang Tsunami alert sa Cebu, Negros at iba pang lugar sa Visayas. Ang lahat ay natakot, ang iba naman ay umakyat na nang bundok upang makaiwas sa sinasabing Tsunami. Marami ang nagdasal na hindi sana ito mangyari. At nag-trending din ito sa tweeter; #prayforvisayas. Ngunit sa kabila ng mga nakakatakot na pangyayari, isang tao naman ang nagdarasal nang baliktad. Para sa kanya,
At dahil sa mga pinagsasabi nitong Ahcee Flores, ang buong kabisayaan pati na din dito sa Mindanao ay nagngingitngit ngayon sa galit.
Isang tanong ang umiikot ngayon sa mga social networks tungkol kay Ahcee Flore, "Ano ba kasalanan ng mga bisaya sa'yo at ganoon nalang ang mga pinagsasabi mo?" Marami ang nagbigay nang kani-kanilang sagot ukol sa tanong na ito. Ang iba sinasabi na baka daw nagkaroon nang syotang bisaya at pinagpalit lang siya sa isang bisaya na girl. Walang makapagsasabi kung ano ba talaga ang totoong rason kung bakit niya nasabi sa online world ang mga katagang iyon.
At dahil sa mga pinagsasabi niya, maraming nagsulputang Facebook page na naghahanap sa kanya. Ito ay ang Kill Ahcee Flores na may 19,619 likes, Buang Ka Ahcee Flores na may 7,522 likes, Hunt Ahcee Flores kill kill kill na may 679 likes at Wanted sa Cebu Achee Flores na may 694 likes. Ang mga pahinang ito ay naglalaman ng mga matitinding batikos tungkol kay Ahcee Flores.
Pero ito ang mas-shocking!
Ayon sa Braincontour si Ahcee Flores ay nahanap gamit ang IP address niya at nalaman din kung sino ba siya talaga. Si Gladys Lumantes Delos Santos also known as Ahcee Flores. At hanggang ngayon ay pinaghahanap na siya ng mga taong nagalit sa post niya.
Kung napapansin ninyo, grabeh talaga ang impact nang comment ni Ahcee Flores. Hindi naman natin masisisi kung bakit ganoon na lamang mag-react ang mga Bisaya. Kahit sino sa atin, kapag nakakarinig lang nang hindi magandang salita ay agad-agad na tayong nagre-react. At ito ang dapat na malaman ng mga taong nasa Virtual world, huwag maglagay nang kung anu-anong reaksyon o commento kung ito naman ay nakakasakit na nang iba. Para iwas ka sa disgrasya .
blog comments powered by Disqus
0 comments